Tanga ako pagdating sa emosyon.
Weh? 'Di nga? Oo nga.
Oh, schizophrenic na naman ako. Oh well well what's new. Madalas ko naman talaga kausap ang sarili ko kasi siya lang nakakaintindi sa kanya. Kaso minsan inaaway ko din sarili ko. Ang gulo ko kasi eh. Wag na akong masyadong maraming reklamo.
Ehem.
Buffering ang pagdating ng emosyon ko. Ewan ko ba kung bakit. Nung namatay yung lolo ko, naramdaman ko ang pagkawala niya nung nakita ko na siyang unti-unting binababa sa ilalim ng lupa. Kapag nalulungkot ako minsan, delayed ng isang araw bago ko marealize. At least yung regla ko eh on time. TMI? Saharee na.
Pero naisip ko, kapag may ibang taong nagsasabi sa akin ng problema nilang dinadala or kasiyahan na natatamasa eh na-aabsorb ko agad ang aura na ine-emit nila. Mas kaya ko pa atang intindihan ang nararamdaman ng iba kesa sa sarili kong nararamdaman.
Empathic na manhid. How ironic is that? Yeah, like that.
Kahit nakikipag-date ako sa sarili ko every now and then, hindi ko pa rin makuha ang loob niya. Wutta phail.
Hindi na rin ako nabibigla sa
sinasabi ng ibang tao sa akin. Kailan kaya dadating ang araw na magawa kong maramdaman ng buo ang sarili ko?
...siguro after 48 years.